Si Ric at si Coy
Taong1996 nang una kong nakita si Coy sa isang karaoke bar sa may Estrella, Edsa. Hindi ako sigurado kung karaoke ba o videoke na, medyo limot ko na. Hindi rin ako sigurado kung 1996 ba o 1995. Ang sigurado lamang ako ay malakas pa sya uminom ng beer noon. Isang grupo kami at sila din na nasa kabilang mesa. Ganon pa man ay halos magkakakilala kami doon, maliban na nga lamang kay Coy na una ko pa lamang nakita. Ang kasama at kaibigan kong si Butojay ang kilala ni Coy. Sa madaling salita ay common friends ang nasa magkabilang mesa. Si Butojay ang laging taya noon kapag lumalabas kami. Malakas kasi kumita ang hitad na bakla bilang ahente ng mga analog mobile phones at Beeper sa isang maliit na kumpanya na sa Ayala at sa may Sgt Fabian na isa si Coy sa nagtayo. Magaling na ahente ang bakla, ang galing bumoka. Sabi nila ay dinadaan daw nito sa bilis ng bibig ang pag chika sa mga customers, sa tingin ko nga ay patok na patok kung magiging isa syang pulitiko. Magaan din ang loob namin ni Buto...