Si Ric at si Coy

Taong1996 nang una kong nakita si Coy sa isang karaoke bar sa may Estrella, Edsa. Hindi ako sigurado kung karaoke ba o videoke na, medyo limot ko na. Hindi rin ako sigurado kung 1996 ba o 1995. Ang sigurado lamang ako ay malakas pa sya uminom ng beer noon. Isang grupo kami at sila din na nasa kabilang mesa. Ganon pa man ay halos magkakakilala kami doon, maliban na nga lamang kay Coy na una ko pa lamang nakita. Ang kasama at kaibigan kong si Butojay ang kilala ni Coy. Sa madaling salita ay common friends ang nasa magkabilang mesa. Si Butojay ang laging taya noon kapag lumalabas kami. Malakas kasi kumita ang hitad na bakla bilang ahente ng mga analog mobile phones at Beeper sa isang maliit na kumpanya na sa Ayala at sa may Sgt Fabian na isa si Coy sa nagtayo. Magaling na ahente ang bakla, ang galing bumoka. Sabi nila ay dinadaan daw nito sa bilis ng bibig ang pag chika sa mga customers, sa tingin ko nga ay patok na patok kung magiging isa syang pulitiko. Magaan din ang loob namin ni Butojay sa isa't isa. Noong gabing iyon ay alam kong magiging matalik kaming magkaibigan ni Coy. Ganon talaga ata. Kapag magaan ang dugo ninyo sa isa't isa ay parang nagkakaintindihan. Automatic na makikita na lamang ninyo ang isa't isa na halos iisa. Ang kasa kasama noon ni Coy ay ang kaibigan din namin na kung tawagin ay Irma. Ayon sa ilang matatandang bakla ng Nuevo ay nakuha nya ang pangalan sa isang tauhan ng palabas noon sa TV tuwing umaga na pambata, si IRMA DALDAL ng Batibot. Kaya pumasok lahat sa isip ng mga bakla na isang madaldal si Irma. Mabait naman sya. Masarap kasama, ngunit hindi kapag sya ay lasing na. Naging matalik nga kaming magkaibigan ni Coy. Nakita ko na lamang ang sarili ko na halos linggo linggo ay kasama ko sya. Kadalasan si Butojay, minsan si Irma pero mas madalas na si Karla. Si Karla ay isang kababata mula sa kabilang kalsada ng Urdaneta. Iba naman ang uri ng pagkakaibigan at samahan namin ni karla. Bago pa man pumasok ang bagong milenyo ay medyo malalim na ang pagkakaibigan namin ni Coy. May mga pagkakataon na sa kanila ako natutulog sa NAIL. Paulit ulit ang ginagawa namin noon; kain sa mga fine dining restaurants, nood ng sine at gay bar. May mga naging syota nga sya na macho dancers,ang guguapo. Nalalaman ko na lang na break na sila. Maliban pa dito ay may nagiging syota din sya na nakikilala sa ibang lugar. Mga guapo talaga. Magaganda ang tindig at lalaking lalaki. Kapag nagkukuento nga si coy tungkol sa ginagawa nila ay hindi ako makapaniwala. Sabi ko ay "Bakit baligtad? Sya ang gumagawa"? Marahil ay 20 years old pa lamang ako noon kaya nagugulat ako. Kaya naman kapag nami meet ko ang isa sa kanila kapag nagkakataong may lakad at kasama ako ay hindi ko maiwasan ang tingnan ang lalaki nya at istimahin. Tingin na parang hindi ako makapaniwala na may mga ganon pala talaga. Ang lahat pala talaga ay pusibli kapag pera na ang pinaguusapan. Mala Cesar Montano na hitsura at tindig ng isang maton, tall, dark, maputi, etc. Kahit sino halos ay nakakasama nya. Minsan ay tinanong ko si Coy ng "Coy may pagka mahilig ka pala no? Baka naman magka AIDS ka nyan"? Aminado naman sya at aminado din ako na nabigla lang ako sa tanong ko. Minsan ay nagtataka na lamang ako kung asan na ung isa. Paiba iba kasi sya ng syota. Marunong si Coy. Bihasa. Hindi sya nagsyosyota ng pangmatagalan. Sinabi din nya sa akin ang dahilan. Kesa naman daw sya pa ang masaktan. Masakit daw iyon. Kaya huwag daw mai inlove. Sa tingin ko ay madami ng sakit na napagdaanan si Coy kaya ganon. Madami syang ipinapayo sa akin tungkol sa buhay pero ang isa sa mga hindi ko nasunod na payo nya ay ang idispatcha ang ang syotang ombre kapag sawa ka na. Magkaiba kami. Hindi ko sinaaabing mali sya pero hindi kami magkatulad ng pananaw sa napaka daming bagay. Kaya nga siguro ay wala na sya ngayon. Halos sampung taon na ata kami hindi nagkikita. Ewan ko ba kahit kelan ay hindi ako nakaramdam ng inggit kay Coy. Ang katwiran ko ay libre naman nya ako palagi. Name it. Kahit ano gusto ko kainin. Minsan ay nabibilihan pa nya ako ng mga gamit. Kaya ok talaga. Hindi naman madamot si Coy. May kahiligan lang talaga sa ombre. Dahil na rin siguro kay Coy kaya hindi ako naging madamot sa mga kaibigang kong bakla. Namulat ako sa kanya na halos lahat ay libre ako. May movie na at food na pang alta ay may pang taxi pa pauwi. May mga pagkakataon na nasa Nuevo lamang kami at nagbi videoke at siempre, lulusot ba naman ang isa sa mga agendas nya, ang booking siempre. Komo nasa balwarte ko ay ako ang taga booking ng booking nya. Minsan sinisilipan ko pa. Napapa krus ako kadalasan. Santisima. Ilang taon na sa ganon tumakbo ang pagkakaibigan namin ni Coy. Pero sabi nga nila na ang pagkakaibigan ay hindi namang matatawag na kaibigan kung hindi kayo daraan sa isang away o tampuhan. Isang araw ng Marso,taong 2001 ay nag text si Coy. Magkakaroon daw kami ng outing kasama si Irma, Arwina,at ang syota nga nyang kayumanggi na malakas naman talaga ang sex appeal. Nabitbit ko pa ang isang kakampi noon sa volleyball. Nadaanan ata ng sasakyan namin sa isa sa kalsada ng Nuevo. Madaming alak na binili. Panay tequila na may uod. Itinigil na ni Coy ang pagiinom noon. Nagkasakit ata sya sa puso kaya kami lang halos ang umiinom. Ako, si Irma at team mate ko nga sa volleyball. Paminsan minsan ay nawawala ang team mate ko habang umiinom kami kaya alam ko na. Sa isip isip ko ay matik na. Nasa room ni Coy. Mga ala una na ata ng umaga ay medyo kumukuda na si Coy habang umiinom pa kami. Sinusundo na ang syota nya papasok sa room ng cottage. Nakailang balik ata sya pero hindi sumasama ang ombre nya. Napasarap sa tequila. Tsaka kalakasan ko noon sa inom. Kaya ko noon na tequila dila asin at sipsip lime tapos sabay lagok ng redhorse bilang chaser. Suka tapos inom ulit. Maya maya pa ay parang nag iiba na ang timpla ni Irma. Di ko mawari baga kung naglilitanya ng Latin o Greek. Salita ng salita. Sabi ko, nako lagot eto na sya. Hanggang sa nalaman ko na si Coy ang dahilan pala. Bulong ng bulong. Sabi ko "bakit?". Nagseselos daw ata sa kanya. Sabi ko "sino"? Ngumuso sya sa di kalayuan sa dereksyon ni Coy na nakapamewang sa balkon ng cottage. "Hayaan mo na lamang, ano ka ba"? Pero walang tigil ang Irma. "Sobra yan!gusto nya sya lang may lalaki! Eh yang ombre nya gusto dito" sabay yosi at tawa ng malakas na hahaha" Sa mga oras na yon ay malakas na ang boses ni Coy na talaga namang laging malumanay magsalita. Naisip ko din noon na hindi na pala sya malumanay kapag lalaki na ang usapan. Paulit ulit si Irma. Buga ng yosi. Tawa ng malakas. Shot ng tequila at tawa ng Hahaha. Parang si Celia Rodriguez kapag kontrabida sa isa nyang mga pelikula. Kinabukasan ay magkaaway na nga dalawa. Litanya ng litanya si irma na wala namang kausap. Lasing pa sya kasi ginising kami ni Coy, lilipat ata daw kami ng cottage at mamalengke. Pero pataray nya itong sinabi. Hanggang nag uwian ay magkaaway ang dalawa at lalo namang lumalim ang pagkakaibigan namin ni Coy kasi nga ay wala na si Irma. Ang huling sinabi ata ni Irma ay may gusto sa kanya ang syota ni Coy. Sabi ko ay "talaga? Kaya pala, pero totoo ba yan? Nakakaloka". "Siempre hindi" sabi ni Coy. "Si Irma pa ba?" "Ay oo nga pala" sabi ko. Buhat noon ay kami kami na lamang ang nagbabakasyon sa Pila, Laguna tuwing Biyernes ng gabi. Hindi na sumasama si irma. Ito pala ang isa sa mga activities namin ni Coy maliban pa sa panonood ng sine, pagkain sa labas, pagtambay sa Nuevo at sa iba't ibang gay bar sa Maynila, Pasay at QC. Maganda ang lugar na iyon. very nature. Gustong gusto ko talaga ang lugar na iyon kasi sariwa ang hangin at ang daming tanim. Ito ay sang farm at resthouse na nasa gitna halos ng gubat sa Pila na pagmamay ari ng isang milyonaryong intsik, isang tsinoy na si RICKY..... -itutuloy

Comments